Welcome to Gaia! ::

Rakista Guild

Back to Guilds

The Official GaiaOnline Guild of Rakista.com 

Tags: rock, rakista, clan, pinoy, filipino 

Reply Arts & Literature
[Article] Jologs Ka Ba? Goto Page: 1 2 [>] [»|]

Quick Reply

Enter both words below, separated by a space:

Can't read the text? Click here

Submit

Dianne A Diwata

PostPosted: Tue Nov 13, 2007 9:19 pm


**Whatever you wish to say, I'd appreciate it!**


JOLOGS KA BA?

Ang salitang jologs ay maihahantulad ko sa isang maliit at kinakalawang na lata at may lamang luma’t maduming piso na kapag inalog ay maingay. Ang lata ay tulad ng makitid nilang pag-iisip, ang piso naman ay ang kakarampot nilang kaalaman at ang maingay na tunog ay ang mga salitang sinasambit nila. Sa madaling salita, sila ang mga taong madaming binibitawang mga mapanirang salita pero walang sapat na basihan para masabi nila ang mga ito. Sila ang mga taong walang pakundangang kung manghusga. Sila ang mga taong walang tunay na pinaglalaban at paninindigan. Sila ang mga taong walang respeto sa kapwa nila. Sila ang mga jologs…

Kadalasan nakikita ang ilan sa halimbawa nito sa mga konsyerto na pinupuntahan natin. Marahil nakaengkwentro na kayo na habang tumutugtog ang isang banda ay binabato ng isang mukhang 13 years old na lalake ng mga salitang tulad ng "Hoy, mga putang!na niyo! Wala kayong kwenta! Bumababa na kayo diyan! Mukha kayong boyband!" o di kaya naman ay “Tama na, laos na kayo! Umuwi nalang kayo, Chicosci naman!” Pagkatapos, tatawa at sasamahan pa ng dirty finger, f*ck you! Sinisigaw nila ang mga ito sa mga bandang di nila hinahangaan. Pero kapag ang banda na kanilang iniidolo ay tumutugtog na, asahan mo, slaman dito, slaman doon. At pagkatapos, itataas ang mga kamay na naka-peace sign, peace mga tol! Peace? Nasaan? Eh di ba kayo ang unang nagpakita ng pagkawalang-galang? Mas mainam kung tumahimik na lang at huwag ng manghusga ng kapwa dahil habang nanghuhusga lalong lumalabas ang pagkakitid ng utak.

Mahalaga ang may sapat na kaalamanan at mataas na respeto para masabi mo talaga na hinahangaan mo ang isang banda. (Tulad sa mag-boyfriend o mag-girlfriend, masasabi mo na mahal mo siya kung kilala mo na talaga siya at tanggap kung ano siya.) At kapag idol mo, lagi kang present sa lahat ng gigs nila. Pero kapag tinanong mo na kung “Pare, diba idol mo Greyhoundz? Ang astig nung latest song nila na may collaboration pa sa ibang artists.” Ganito ang sagot niya “Yuck! Alin? Yung Koro? Kadiri yun pare, eh! Kasama pa kasi sila Francis M. at Gloc 9 dun!” Sabay dura! Ganun? Naisip ko tuloy kung nabasa at naintindihan niyang mabuti ang lyrics ng kanta. Malamang hindi! At panigurado na kahit sinasabi niyang iniidolo niya ang Greyhoundz ay hindi niya nauunawaan ang bawat mensahe na ipinaparating ng banda dahil nakikisabay lang siya sa hupaw hupaw ng mga katulad niya. At para sabihin ko sa inyo, ang kantang Koro na nilikha ng Greyhoundz ay isa sa mga kanta lamang sa buong mundo na sana ay mapakinggan at tumanim sa bawat isa satin. Isa na rin iyon para hindi tayo maihambing sa isang maliit at kinakalawang na lata...

Minsan naman, may nakausap akong mga kainuman sa mayric’s. “Uy, tsong! Sino ang favorite rock band mo ngayon?” Ang sagot niya sakin ay “Shempre, sino pa. eh di Hale! Ang gwapo-gwapo kasi nung vocalist, eh. Crush ko siya. Ano nga uli name niya?” Sinamahan pa niya ng tili. Napa-kunot tuloy ako ng noo! Sa loob-loob ko ay tinanong ko sarili ko. Ganun na ba talaga ngayon? Idolo mo hindi mo kilala kahit ang pangalan lang? Hahangaan mo na ang isang banda kapag pogi ang bokalista? Sayang naman ang talento nila kung ang hahangaan lang sa kanila ay ang pisikal na kaanyuan. Tapos, sumabat pa ang isa “Ako? Dati gusto ko ang Orange and Lemons. Pero ngayon, hindi na! Nasa mainstream na sila eh. Over-exposure. Sell- out na masyado. Ang baduy na nila…” Blah blah blah…

Opinion ba nila yan kamo? Narinig ko ba ang salitang opinion mula sayo? Ang opinion ay isang matibay na paniniwala at may sapat na basihan na may masusing panunuri. Maaaring hindi magustuhan ng isa ang isang banda pero hindi sapat upang siraan ito sa lahat dahil hindi natin alam kung ano ang pinagdaanan nila bago maabot ang kinalalagyan nila ngayon. Hindi natin naramdaman ang pagod at hirap na nagdaan sa kanila at pinagdadaanan pa. Hindi natin kailanman malalaman kung ano ang nararamdaman nila tuwing sinasabihan sila ng “Ang jologs niyo!”. Ang karamihan sa atin ay nagkakaroon ng discriminasyon na walang pasantabi kung magkomento. Marami sa atin ang hindi maunawaan ang simpleng salita na respeto.

Sa patuloy na tumitinding discriminasyon sa mga banda ngayon, nakikita na sa atin ang pagiging jologs. Oo, aminado din ako na minsan ko ng nabanggit ang iba sa mga linyang yan. Pero sa mga nagdaang taon na pakikinig ko sa rock music, masasabi ko na mas tumaas ang respeto ko sa mga rock bands, lokal man o foreign, dahil na rin siguro nalaman ko ang kanilang mga roots o ang sinasabing mga influences. At hindi lang sa napaka-astig na melody ng isang kanta binabase ang kagadahan nito, matuto tayong “makinig” sa mga lyrics ng bawat kanta. Kilalanin niyo ang mga bandang sinasabihan niyong idolo o mga kinaaayawan niyo para kapag may nagtanong kung sino sila ay may maayos at mahusay kayong maisasagot at para hindi rin kayo maikumpara sa isang latang maingay o mabansagang jologs!

Kasing dami ng banda ngayon ang mga katanungan na naglalaro sa aking isipan. Mga bagay-bagay na hindi ko lubusan maintindihan. Marahil nga may iba’t ibang uri ng tao at bagamat may kanya-kanya tayong kuro-kuro, sana ay matuto tayong rumespeto. Ito ay hindi magsisimula sa iba kung hindi sa atin mismo. Magtulungan tayo upang umunlad ang industriya ng musika sa ating bansa at hindi yun tayo-tayo ang nagsisiraan. Sana malaman nating lahat na ang pagiging jologs ay hindi sa istilo ng kanilang pananamit, itchura o kung ano man ang meron sila sa buhay. Ito ay nasasaalamin sa kanilang kilos at salita. At sana maging daan ito para sa ating hinahangad na kapayapaan.

Ikaw, bata, matanong ko… Jologs ka ba?

Original link:
User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.
PostPosted: Tue Nov 13, 2007 10:52 pm


^^hindi ako jologs at hindi na rin ako bata rofl

seryoso,maganda ang mensahe ng ginawa mo.inaamin ko, ako din ay may pinapaburang mga banda,may mga banda akong tinatawag na baduy at mainstream.namulat ang isip ko dito.siguro nga,hindi natin sila masisisi kung hangad nilang sumikat at mapakinggan ng masa kasi lahat naman ng tao may mga pangarap.respeto na lang ang talagang kailangan.respeto sa kanya-kanyang hilig at pananaw.

ayaw ko na mang-bash ng emo rofl

M0nster_King_____


M U L E B O I I

PostPosted: Wed Nov 14, 2007 4:26 am


basta sakin lang, kung trip ung tugtugan islaman na to! kungdi upo muna. expression naman ang music eh, not everyone will like what you like. when i was a dj playing a few bars sa makati, natutunan ko ang tugtugang "massive" (masa ika nga ng kuya ko) ung lahat makakasakay. kahit dati nung nasa banda din ako d lahat nakaksakay sa tugtugan namin (d naman kami malalim).

i guess gusto lng nila sabihin na, everyone wants whatever they're listening to to be their own little secret. yung tipong "pare anlupet nitong bandang to! d mo ba alam to bwahahahah!!!" or something like that. tapos pag sikat na ayaw na nila.

i guess bottom line is if you like the song good. if not, make one better 4laugh
PostPosted: Wed Nov 14, 2007 5:16 am


ok lang mang-bash, lalo na kung karapat-dapat sa kanila. naalala ko tuloy ung classmate ko last sem.

X: "Jepp natugtog kami sa dun sa studio blahblah ah."
Jeppogi: "oh aus ah. anu tugtugan nyo?"
X: "iba-iba, lahat ng genre halos. natugtog din kami ng hardcore, ung mga Fall-Out Boys. malapit na nga namin maperpek eh" *dyenre ang pagpronounce nya*
Jeppgwapo: eek "tae ndi hardcore un.. *nakakainsultong tawa*..

ehehe.. pero tinatama ko naman ung mga taong katulad nito (matapos kong aliwin ang sarili ko sa pagtawa), shine-share ko ung mga alam ko na tama.

ang kritisismo o pagbatikos ay para lamang sa mga taong may nalalaman sa isang bagay na binabatikos nila. hindi "krisitismo" ang tawag kung pupulaan mo ang iba nang hindi mo naman ito ganap na nauunawaan ang naturang bagay o gawa ng iba. ang tawag dito ay paninira.

anywho, biggrin

hindi ako jologs..hihi
nice work dianne. naaliw ako sa artikulo mo, at binuhay mo ang dugo ng malalim na bokabolaryo sa aking kaakit-akit katawan. xp

Jeppo Corleone
Crew


M0nster_King_____

PostPosted: Wed Nov 14, 2007 5:24 am


^^tama brader mas mabuti pang manahimik o magtanong kaysa magpanggap na magaling. domokun
PostPosted: Wed Nov 14, 2007 8:37 am


nice one Dianne.. ^__^d

dami rin ako na encounter na ganun dito eh... LOL!


VanS3n

Captain

Malevolent Lunatic

12,825 Points
  • PvP 200
  • Battle: Knight 100
  • Demonic Associate 100

Chikako Reiko

PostPosted: Wed Nov 14, 2007 2:28 pm



...hmmmm
piso... hindi mabubuo ang isang daan kung wala yan. cool

opinion ----> personal na paniniwala ng isang tao, doesn't necessarily mean na 'tama' sya.

jologs...
on the tagalog slang diksyo, I thought this means 'baduy', and according to a movie, ito daw yung mga taong 'unique'. xp

Band Bashing
...you can't force anybody to like something/someone no matter how hard you try. Malaki na sila para marealize ito. Nobody cares how they get there, people listen to their music not their sentiments and woes. The only problem with selling out is, when a band you don't like joins a label that you do and suddenly people starts to like them. Or when a the quality of their music deteriorates because they wanted to 'please' the crowd.

The problem with local bands, a lot of them are just plain rip-offs of their foreign counterpart. Naalala ko merong kwento si Denyong dun sa gig nila dati, meron daw banda 'true metal' daw sila eh pero rip-off lang naman ng Sepultura. rolleyes

Another problem with local bands, pag bumenta ang album nila at pag nainterbyu sila sa myx or mtv ay biglang lumalaki ang ulo. rolleyes

I remember, when were on my Mom's province. Andun yung Kamikazee. She was celebrating her birthday, so medyo maingay talaga. So merong isang member na lumapit sa crew ng mga waiters dun, pinapatigil yung pagtutogtog ng isang band. Syempre, hindi naman itinigil, ang lagay eh ipahihinto ang ikot ng mundo por que gusto nila? rolleyes The result - ayun minura lang naman ang Mom ko. Kwentong barbero ba? I wish. Pero totoong nangyari yan. rolleyes Patago-tago pa eh, feeling naman nila kandarapa lahat ng taong makita sila.

Natiliin lang ng konti, por que may mga batang bollocks lang na nagslam sa tugtugan nila, por que nakabenta ng album at napasama sa isang major label, feeling rakstars na. rolleyes

I have nothing against local music, kaya lang eh yung tinatawag na 'rock scene' ngayon dyan sa Pinas... well that's something that I would call 'jologs'. Truth be told, maraming bollocks sa Pinas, truth be told maraming walang taste, truth be told maraming nakikiride lang sa trend... etc.

Parang yung classmate ko nung HS, dati idol na idol nya Westlife tapos malalaman ko ngayon, 'Emo' na pala sya.

"Favourite band ko Chicosci! *sabay raise ng horns*
Demn xp


Naalala ko tuloy dati nung bagong sikat si Avril eh, basta may album ka nya tas makapal rin ang eye liner mo, pwede mo ng tawaging punk ang sarili mo. HEY! HEY! YOU! YOU! User Image





AUT VIAM INVENIAM AUT FACIAM
I'll either find a way or make one
PostPosted: Wed Nov 14, 2007 4:54 pm


Best description to nung favorite kong member sa kabilang site. walang respeto, walang pakundangan magsalita, hayup. (ay sorry, hindi pala to rants thread) lol

I remember commenting on another thread about Cueshe and Hale in rakista. I was also wondering why im there, but i just have this appreciation to these bands, na honestly, magaling naman. Im not a fan, though. Pano ko nasabi yun? Because they simply write their own songs. Yes, it might be more of pleasing the people or the audience, and you can no longer feel the sincerity in their songs, but the point is, they still write it. They worked hard for it. And we all know, not all artists can write good quality songs.

The appreciation im giving to bands like these is not a simple show off ng respeto or kindness. Its because thats really me. Im not really good in giving bad critics to bands but i can give such advices that can help them to be a better group though. ( i mean in nicer way. lol )

I remember "Lostsoul" from rakista (he's my cousin) is letting me hear some of their compos back in Netherlands. Blackened/Death ang tugtugan nila. Im not a fan of Black, but he loves asking for feedbacks from me about their music. Maybe because, i can listen to anything. as in anything under the sun. Siguro kung mahal mo lang talaga ang music, mula bata ka, kahit anong tugtog pa yan, ma aapreciate mo talaga.

Denyong also share some Doom stuffs with me, which i also listen. At kahit si Denyong pa siya, sinabi ko talaga na inantok ako sa Doom. lol which he said, is okay kasi normal reactions daw yun ng mga noob sa doom. But i still listen to it paminsan minsan.

Ngayon hindi ko alam kung jologs ba ko o hinde. rofl

Ay pahabol, about slaman thing, hmm, okay lang naman, para sa mga bata.masyado silang na eexcite siguro. hehe. eh matanda na ata ako para sa ganun. siguro dahil pag nagpunta ako ng concert, sa tabi lang talaga ako. kinig kinig lang. at nagkaron na ko ng phobia going to concerts dahil sa huling summer slam na pinuntahan ko, (which is 2002, i think) kinuha sa akin ang belt ko at hindi ko na nabawi! ninakaw na ng mga kung sinong bata na walang pambili ng belt.

Sows ala ko sa wisyo. seryoso. May hang over pa ko ng LOTR trilogy. DVD marathon ito. lol

Rinka Ikeda



VanS3n

Captain

Malevolent Lunatic

12,825 Points
  • PvP 200
  • Battle: Knight 100
  • Demonic Associate 100
PostPosted: Wed Nov 14, 2007 10:27 pm


sakin... I don't really care if some would consider me Jologs or Poser for that matter.. di naman nila talaga ako kilala in a sense

they don't even know what am I really into..

I have been into situations na some would look at me in ridicule kase ganito or ganun... maybe offended lng cla sa itsura ko or at the way i dress.. just because I am no longer a frequent face sa mga gigs ngayun... some "kids" think na I don't even belng there atsaka sa porma lng raw ako.. like WTF?!

i remember one time nung nasa mall ako.. may gig yung Quezo dito that night.. 2 yrs ago na ata to.. ayun w/ my regular get-up... black as usual.. i bump into this group of kids.. all hyped up sa gig ng Quezo.. brandishing their angst look and their gig tickets for all to see... they in a way wreck a bit of havoc sa mall dahil "rakstars" cla... then they saw me.. parang they look at me na "poser" ako .. natawa lng ako.. den nung gabi na yun.. andun na cla sa labas ng gig... di pa kase nagsisimula.. andun rin ako sa parking lot .. I could here them whisper like " Ayun sya oh.. yung feeling rocker na ganito.. ganun... di namn yan ata manood..." .. well tahimik lng me.. den after a while tinawag ako ng kasama ko.. nagsidating na yung mga bands na mag front act.. nagulat na lng yung mga kids na kilala ko pala lahat ng banda... den andun bassist namin bitbit gitara ko.. lalo clang nagulat when i grabbed my guitar and went insde.. we were the 3rd band to play at that gig and we gave the crowd hell.. wehehe..

after that incident, hanggang ngayun those so called kids.. everytime na makikita ko nila.. they act as if parang nakilala na nila me ng matagal at as if kaibigan ko cla.. i really don't mind.. i really didn't mind namn eh.. wehehe

that gig na frontact kami sa Quezo was one of my last frontact.. I left the band and the music scene a few months after that..

yung point ko lng.. sometime, things are not what they seemed... sometime people tend to judge out right na di pa nila alam talaga...

oh well.. shiikata ga nai...
PostPosted: Wed Nov 14, 2007 10:35 pm


I wish ive seen those kids faces. rofl

Rinka Ikeda


Jeppo Corleone
Crew

PostPosted: Thu Nov 15, 2007 12:52 am


i wish someone can do something about this emerging race of people. someone that could open their minds to what they really look like from afar. i know tao din sila, sa tingin nila ok sila, sarili nila yun eh. ako sa tingin ko ok ako, hindi dahil confident ako, kundi sa kadahilanang wala namang lumalapit at nagsasabi sakin na "hoy bulok ka". i wish people are more open-minded. more respectful. more aware. and more madrama like me rofl haha..
kidding aside, if the things ive mentioned came true, hindi ito ang mundo. nasa ibang planeta tayo. xd dahil walang contradictions. walang posero, walang jologs, walang gera.
one more thing, Jesus loves you. wink
PostPosted: Fri Nov 16, 2007 9:30 am



^^^LOL. I don't believe in Jesus. lol

----------------------
Anyway, natawa ako sa post ni Boss VanS3n ah.
Alam mo ba kung bakit ganyan yang mga bata na yan, naghahanap lang yan ng kauri nila. Kasi ganun rin sila. lol Hanggang porma lang. lol

Poser galit sa kapwa poser... buti na lang pala Kikay ako. lol twisted




AUT VIAM INVENIAM AUT FACIAM
I'll either find a way or make one

Chikako Reiko


swissaidoll

PostPosted: Sun Nov 18, 2007 5:12 am


nobodys perpek confused miski ako nagagawa ko yan minsan eh sweatdrop pero dati pag me mga taong nagsasabi saken nan song na napakinggan nila na kesho ganyan kesho ganto kinokontra ko cla kahet d ko pa naririnig ng kanta rofl pero wag kayo pag uwi ko sa bahay isesearch ko ung kanta den pag nakita ko ung lyrics tae lol lol amplastik eh no..

well ngayon natuto nako 3nodding kase ung classmate ko nung 1st year sinabihan akong "hindi lahat ng bagay alam mo,wag ka magmarunong"amp cry supalpal tlaga ko kase 22o..kaya pag nakikita ko mga classmates kong kumakanta ng kung ano ano songs and claiming they`re emo...well shadap nalang ako xp sa loob loob ko,nung di pa sikat ang emo grabe kayo mang alipusta crying at sinasabihan nyo kong korni,bisaya,pauso,etc etc crying eh neon ano sinasamba nyo? stressed



i guess one day mauuntog cla sa katotohanan xp gaya ko lol





@ate debs
anti ka eek
@ate dianne
galing galing blaugh nainspire ako sa nobela mo xd
PostPosted: Sun Nov 18, 2007 12:42 pm



^^kikay ako. period.
walang maraming tanong. twisted lol




AUT VIAM INVENIAM AUT FACIAM
I'll either find a way or make one

Chikako Reiko


escupida 8 graz

PostPosted: Tue Nov 20, 2007 4:25 am


hahah..ang ganda ng responses nyo!!hanga talaga ako..ako maikli lang ang sagot ko jan..

RESPECT OTHERS MUSIC/OPINION/ART..isipin nyo na madaming genre ang rock at marami ring genre ang nakikinig.

ika nga ng isang kanta "Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko"

papalitan lang ang lyrics so magiging "musika mo'y igagalang ko kung trip ko'y iyong irerespeto, kung nagtulungan tayo, di sana magulo ang gig na to" aus!! burning_eyes cheese_whine rofl
Reply
Arts & Literature

Goto Page: 1 2 [>] [»|]
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum
//
//

// //

Have an account? Login Now!

//
//