Welcome to Gaia! ::

Rakista Guild

Back to Guilds

The Official GaiaOnline Guild of Rakista.com 

Tags: rock, rakista, clan, pinoy, filipino 

Reply Arts & Literature
Monster King's Literature Crap Stash Goto Page: 1 2 3 [>] [»|]

Quick Reply

Enter both words below, separated by a space:

Can't read the text? Click here

Submit

M0nster_King_____

PostPosted: Sat Nov 10, 2007 7:48 pm


ahaha papost ng aking kakornihan.
PostPosted: Sat Nov 10, 2007 7:49 pm




Panginoon

Nakabibinging mga sigaw
Nakalilitong mga katanungan
Nakapaligid sayo'y 'di mo makita ngunit nadarama
Hapdit mga pagtitiis,saan ito nakalaan
Daigdig ko'y puno ng dilim
Magliliwanag ba sa pagpapagal?

Labag sa iyong kalooban
Ngunit ninanais ng pag-iisip
Hirap na ang iyong katawan
Kontrolado ng takot ang galit
Nilalamon ka ng sindak
Panginoon mong kapwa mo lang tao
Ituring mong hari
Kanilang mga anino

Panginoon sa ibabaw ng lupa
Kailan ako papantay sa'yo
Makikita ko ba ang liwanag
Sa mga pangako mong pagbabago?

M0nster_King_____


M0nster_King_____

PostPosted: Sat Nov 10, 2007 7:51 pm


Paglalakbay

Nilalakbay ang dagat ng kalungkutan
Tinatanaw ang maiitim na ulap
Sa isipan ang daming katanungan
Isang araw sana'y makita ang kasagutan

Muling babalikan ang mga ala-ala
Kahapong makulay,kahapong puno ng ligaya
Maibabalik ko ba ang ngiti sa aking labi
Ubusin ang oras sa kaha-kahang pighati

Malalaking alon, pilit sinasalubong
Habang inaawit ang musika ng kahapon
Kahibangan namin noon ay parang walang hanggan
Kaibigan sana'y ' wag mo akong kalimutan

May malaking espasyo sa aking puso
Pilit kong pinupunan,pilit binubuo
Malalaman ko rin ang kahulugan ng buhay
Sa aking pagdating sana ikaw ay naghihintay





Dedicated sa kaibigan kong US NAVY (boss mike) luv u bok!
PostPosted: Sat Nov 10, 2007 7:53 pm


Sa Aking Isipan

Hindi ka ba natatakot
Sa aking ngiti
Hindi mo ba napapansin
Aking pagkukunwari
Huwag mo akong hawakan
Damdamin ay nasa buong kalawakan

Hindi ka ba natatakot
Sa aking haplos
Kaluluwa ko
Ay hindi natubos
Huwag mo akong titigan
Higit kitang kailangan

Simulan na...

Bihagin mo!
Ikadena mo sya kasama
Ng iyong init
Pagsaluhan ang kaligayahan
Na sa iyong ugat ay naglalakbay

Muling maglalaro
Muling magtatawanan
Habang umuulan
Habang sinusundan

Wala nang magagawa
Sunud-sunuran,ako'y sunod-sunuran

M0nster_King_____


M0nster_King_____

PostPosted: Sat Nov 10, 2007 7:56 pm


Anghel

Aking anghel sa kadiliman

May bakas ng luha at kalungkutan

Iyong lumbay,aking papawiin

Kaligayahan ay ating hahanapin



Aking anghel sa kadiliman

Marahan mong haplos nais maranasan

Langit ang katumbas ng iyong halik

Tayo ng lumisan sa iyong pugad ng hinagpis


Aking anghel sa kadiliman

Pagkatao mo’y kanilang dinungisan

Hayaan mong ikay aking tulungan

Iahon sa putik at sa panaghoy ng libingan



Aking anghel sa kadiliman

Aking kamay ay iyong hawakan

Tayo nang tumakas,hanapin ang liwanag

Kalagin ang kadenang sa iyo’y nagpapahirap



Lilikha tayo ng paraiso

Malayo sa panganib

At anumang gulo

Lilikha tayo ng paraiso

Huwag matakot,ako’y kasama mo
PostPosted: Sat Nov 10, 2007 7:58 pm


Tulay

Nais kong lumikha ng isang tulay

Patungo sa iyong kinalalagyan

Ngunit hindi ko alam kung paano ito sisimulan

Alam kong sa pangarap na lang kita masusundan

Sa gitna ng tulay dun tayo magtatagpo

Sasabihin ko sa iyo ang laman ng damdaming nakatago

Ngunit ako’y lubhang kinakabahan

Huwag na lang umasa,huwag na lang

Maligaya na akong makita kang nakangiti

Magiliw na pagmamasdan ang ganda mong natatangi

Nasasabik akong salubungin ka

Aaminin ko sa iyong “mahal kita”

Isang tulay na mag-uugnay sa ating mga puso

Alam kong putol at hindi pwedeng mabuo

Humihiling sa Diyos na ito’y dugtungan

Ngunit huwag na lang kung may masasaktan

Kung mabuo man ang tulay ay iyong asahan

Ito ay hindi ko pababayaan

Iingatan ko ang iyong puso

Patuloy kong iuugnay at hindi ako lalayo

Sana'y may isang tulay sa ating buhay

Doon ay makita kang kumakaway

Magunita mong minahal kita

Hindi ka mabubura sa aking ala-ala

M0nster_King_____


M0nster_King_____

PostPosted: Sat Nov 10, 2007 8:01 pm


Ating Mundo


Ating iguhit ang ating mundo

Gamit ang pinsel na kung tawagin ay pagmamahal

Magkahawak kamay na pagmasdan

Ang pag-asang kumakaway

Punuin natin ng kulay

Ang bawat segundong lumilipas

Mga araw na darating

Lagyan natin ng liwanag



Sa ating mundo tayo

Ay magkasamang umaawit

Tibok ng ating mga puso

Ay iisa ang himig

Iduduyan ka ng hangin

Na kasabay kong bumubulong

Pag-ibig na walang hanggan

Ang kasalo natin sa maghapon



Marahil sa labas ng ating mundo

Walang makakaunawa

Kung paano ang ating mga puso

Ay pinagbigkis ng tadhana

Mga salitang binitiwan

Nakatanim sa puso’t isipan ng bawat isa

Dalisay na damdamin

Wala ng makahahadlang pa



Kung ako’y iyong iiwan

Mundo ko’y hindi na muling iikot

Sapagkat ikaw ang aking buhay

At pumapawi sa aking lungkot

Mundo nating iginuguhit

Ay hindi na matatapos

Maglalaho ang lahat

Mauuwi sa alabok



Ang mundo ko ay kulang

Kung hindi ikaw ang kapiling

Liwanag ay mawawala

Kung ako ay lilisanin

Ikaw ay aking mahal

Huwag mo lamang lilimutin

Iyong pagbabalik

Ay aking hihintayin
PostPosted: Sat Nov 10, 2007 8:02 pm


Pormalin (for my lyn)


Isang linggo na tayong dehins nagkikita kasi kadalasan pareho tayong busy pero ok lang hindi naman tayo nauubusan ng oras para sa isat-isa diba?

Dumating ang araw na pareho tayong libre,ayaw ko sana sumama sayo kasi gusto ko sana magpahinga, tinadtad mo ako ng mura sa mga text msgs mo "napakalambing mo talaga" reply ko sayo,wala akong nagawa eh ander kasi ako kaya pumayag na ako.

Abusado ka din kasi minsan,gusto mo ako lagi ang taya kahit konti lang budget ko wala naman akong magawa eh kasi "mahal kita" .Tinanong kita kung saan mo gusto maglibot sabi mo sa "Sm Farview".Hindi talaga ako mahilig magmall eh sa totoo lang, nasanay lang talaga ako sayo kasi talampakan mo may nunal kaya ang hilig mo gumala.

Alam mo ba ang tagal-tagal kitang hinintay dun sa entrance ng mall,sobrang init pa kaya pawis na pawis ako,nakalimutan ko pa naman maglagay ng deodorant.

Sobrang "late" ka na dumating, dalawang oras ako naghihintay! Ok lang sa akin nawala inis ko kasi naka-smile ka naman habang sinasalubong kita.Hinalikan mo agad ako kahit na pawis na pawis ako,dinukot mo panyo mo sa bag at pinunasan mo pawis sa mukha ko."Ewan ko lang ha baka isang linggo mo nang hindi nilalabhan yang panyo mo" biro ko sayo.Biniro mo din ako sabi mo amoy tuta ako di ko alam kung maaasar ako o kung matatawa hehehe di bale pumasok na lang tayo .Nanood tayo ng sine,nagikot-ikot,kumain ng french fries at hamburger sa Mangdogs.

Napakalakas mo talaga kumain kahit babae ka,tinatalo mo pa nga ako sa palakasan ng dighay.Hindi ko makakalimutan yung palabas sa sinehan na pinanood natin yung " The Notbuk" iyak ako ng iyak kasi mababaw lang luha ko at nakakaiyak naman talaga yung pelikula.Naisip ko sana ganun din tayo hanggang sa pagtanda natin dehins na tayo maghiwalay.Holding hands pa tayo nun, ang sarap nga hawakan ng kamay mo kahit na malamig sa loob ng sinehan ramdam na ramdam ko init mo.Medyo badtrip nga lang kasi hindi hapi ending pero oks lang hapi naman tayo eh.

Habang naglalakad tayo naisipan kong ibili ka ng regalo.Bumili ako ng pekeng pabango tapos inabot ko sayo,inasar mo ako sabi mo "how cheap" sabay kis at nagtengkyu ka sa akin.Sabi ko lagi mo gamitin yang pabango dibale nang maubos kasi pede naman ipa-refill.

Haay,sarap talagang magpalipas ng oras kasama ka.Ang saya-saya nating umuwi pagkatapos nun,hinatid kita sa inyo pakiramdaman pa nga tayo sa pagbabayad sa dyip.

Natuwa ako sayo kasi sinunod mo gusto ko,tuwing magkikita tayo ginagamit mo yung pabango.Hindi ako magsasawa singhut-singhutin ka daig mo pa ang rugby kasi nakakaadik ka.

Pero isang araw may nangyari hindi ko talaga inaasahan tumawag sakin ermats mo,iyak sya ng iyak.Pagkagaling mo daw sa trabaho eh naholdap ka daw.Nanlaban ka daw sa mga holdaper.Pilit daw kasing kinukuha ng mga holdaper yung regalo ng ermats mo sayong celpon na ang tatak eh "Bokia 5110" Naihampas mo yung bag sa ulo ng isang holdaper.Nagalit lalo yung holdaper sayo dahil nagkabukol sya.Yung binigay ko pala sayong pabango laman nung bag.Nabasag at kumalat sa ulo ng holdaper.Nasaksak ka daw ng ilang beses at hindi ka na naihabol sa hospital.Nakatakas yung mga hayop na holdaper na nakasakay daw sa bisikleta.

Gumuho ang mundo ko nun dahil sa nabalitaan ko.Natulala ako ng ilang minuto at umiyak ng umiyak.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kase kelan lang magkasama tayo at masayang nagtatawanan.Hindi ko yata kayang makita ka,hindi ko kaya!

Pumunta ako sa bahay nyo, ang daming tao.Ang lakas ng kabog sa dibdib ko,hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na patay ka na.

Kusa na lang akong dinala ng mga paa ko sa kabaong mo.tinitigan kita at hindi ko napigilang hindi humagulgol.Wala kang kalaban-laban bakit nila ginawa sayo to?!

Nakiusap ako sa pamilya mo na iangat ang takip ng kabaong.Hinawakan ko ang kamay mo.Ang dami kong tanong sa isip ko..."Bakit hindi mo ginamit ang pabango na binigay ko sayo ngayon,bakit iba na ang amoy mo,bakit hindi ka na kasing init katulad nung "date" natin bakit mo ako iniwan?!

Hanggang sa libing mo ay hindi ko matanggap na wala ka na.Wag ka mag-alala hindi kita kakalimutan,bibili ako ng pabango na kasing amoy ng pabangong niregalo ko sayo.Lagi akong dadalaw sa puntod mo at iispray ko ang pabango na yun.

Naalala ko nung inasar mo akong amoy tuta ako,sasabihin ko sana sayo ngayon "Eh ano kung amoy tuta ako,amoy lupa ka naman" pero hindi pwede sigurado magagalit ka sa akin at mumurahin mo na naman ako.

Lyn, mamimiss kita! Kung nasaan ka man sana pwede kitang i-txt at sabihin ko sayo kung gano kita kamahal.Sana wag mo akong mumultuhin.Lagi kitang iisipin kahit wala ka na at amoy mo na lang ang natitira,mahal kita lyn,mahal na mahal...

M0nster_King_____


M0nster_King_____

PostPosted: Sat Nov 10, 2007 8:03 pm


Gulay

Tayo nang maglakbay
Sa ilalim ng kababawan
Bawat ngiti at halakhak
Ay mayroong kahulugan
Ipahinga ang pag-iisip
Sa kahon na puno ng usok
Hanguin ang sarili
Sa impyerno ng pagkabagot

Pagsapit ng dilim
Ako'y isang ermitanyo
Nag-aabang,naghihintay
Sa pag-ikot ng berdeng mundo
Kaysarap damhin,ihip at simoy ng hangin
Dahan-dahan sa pagmulat
Kulay pula sa iyong pag-gising

Nakalimot ka na ba?
Naaalala mo pa ba?
Ala-alang nakarolyo at sinulat
Sa papel ng ligaya
PostPosted: Sat Nov 10, 2007 8:04 pm


Aking Oras

Sumisigaw ang aking kaluluwa
Naglalagablab ang aking pagnanasa
Mabilis na pagdaloy ng aking dugo
Poot ko sayo ay wala ng hinto

Mararanasan mo din ang mapahiya
Maraming tao sayo’y mangungutya
Hihilingin mong magwakas na ang iyong buhay
Hawak ko ang ganti sa aking mga kamay

Ako ang bubuo ng iyong impyerno
Damhin mo ang apoy na likha ng galit ko
Katahimikan ay hindi na muling masusumpungan
Ibabaon kita sa walang hanggang kailaliman

Ito na ang aking oras,oras ng paghihiganti
Hindi na papayag na muling maging api
Wala ka ng pagkakataon upang kasalanan ay pagsisihan
Salubungin,aking kaibigan pangalan ay “Kamatayan”

M0nster_King_____


swissaidoll

PostPosted: Sun Nov 11, 2007 12:41 am


nakakaiyak naman yang pormalin crying
PostPosted: Sun Nov 11, 2007 1:39 am


Pong, totoo ba si LYN o fictional lang na gawa mo? Ang ganda ng delivery mo. Nakakatawa sa umpisa pero nakakadurog ng puso sa huli. crying


Pero eto ang pinakapaborito kong part.


M0nster_King_____


..."Bakit hindi mo ginamit ang pabango na binigay ko sayo ngayon,bakit iba na ang amoy mo,bakit hindi ka na kasing init katulad nung "date" natin bakit mo ako iniwan?!




Nakakaiyak..

Utsukushi_ikay
Crew


-Purple Sonnet-

PostPosted: Sun Nov 11, 2007 2:37 am


M0nster_King_____
Tulay

Nais kong lumikha ng isang tulay

Patungo sa iyong kinalalagyan

Ngunit hindi ko alam kung paano ito sisimulan

Alam kong sa pangarap na lang kita masusundan

Sa gitna ng tulay dun tayo magtatagpo

Sasabihin ko sa iyo ang laman ng damdaming nakatago

Ngunit ako’y lubhang kinakabahan

Huwag na lang umasa,huwag na lang

Maligaya na akong makita kang nakangiti

Magiliw na pagmamasdan ang ganda mong natatangi

Nasasabik akong salubungin ka

Aaminin ko sa iyong “mahal kita”

Isang tulay na mag-uugnay sa ating mga puso

Alam kong putol at hindi pwedeng mabuo

Humihiling sa Diyos na ito’y dugtungan

Ngunit huwag na lang kung may masasaktan

Kung mabuo man ang tulay ay iyong asahan

Ito ay hindi ko pababayaan

Iingatan ko ang iyong puso

Patuloy kong iuugnay at hindi ako lalayo

Sana'y may isang tulay sa ating buhay

Doon ay makita kang kumakaway

Magunita mong minahal kita

Hindi ka mabubura sa aking ala-ala


kinilig naman ako! ahehe.. 3nodding
PostPosted: Sun Nov 11, 2007 3:02 am


salamat sa mga komento nakakatats xp

M0nster_King_____


PETnessFirst

PostPosted: Sun Nov 11, 2007 5:35 pm


totoo ba si Lyn!? hahaha..ang lupet mo pong!!
Reply
Arts & Literature

Goto Page: 1 2 3 [>] [»|]
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum
//
//

// //

Have an account? Login Now!

//
//