Welcome to Gaia! ::

Reply ►► Role Play Subforum (Main/ Mini/ PRP)
[SPAR] Agi vs Zique Goto Page: [] [<] 1 2 3 [>] [»|]

Quick Reply

Enter both words below, separated by a space:

Can't read the text? Click here

Submit

aginamon

PostPosted: Wed Sep 30, 2009 1:06 am


[Maiksi ung espada ko! Hindi maliit!! scream ]

Nang napatalsik si Axle palikod ng braso ni Zique, hindi siya nakailag. Pag tingin niya, palipad na ung isang kamay ni Zique sa muka niya. "Ano!?!" Inikiot niya ang maiksing espada, at hinawakan niya ito sa kanang kamay, pero ngayon ay nakatutok sa baba. Agad niyang sinalo ang 'fist' ni Zique gamit ng kaliwa niyang kamay, hinigpitan niya ang kapit niya sa 'fist' ni Zique, at hinatak niya si Zique palapit sa kanya nang hindi ito binibitawan. Ginamit niya ngayon yung kanang kamay pansuntok kay Zique sa tiyan, pero dahil hawak pa niya yung espada, kahit hindi tumama yung suntok, mahihiwa pa rin siya.
PostPosted: Wed Sep 30, 2009 8:17 am


[Pareho lang 'yun! scream
AT HINDI LUMILIPAD ANG KAMAY!]


Hindi na nagawa pang hatakin pabalik ni Zique ang kanyang kamay mula sa hawak ni Agi. Nauubusan na siya ng oras, 'pag hindi siya umarte ngayon, matutusok siya ng pandak na espada ni Agi! Naku hindi! Hindi ito maaaring mangyari sa napakagaling na tao tulad ni Zique! Dahil wala ng pagpipilian si Zique, ginamit niya ang kanyang kaliwang kamay upang maharang ang fist ni Agi, kahit pa hawak niya ang maliit niyang espada. Nagkaroon siya ng malalim na sugat sa kanyang kaliwang kamay. Ngayon ay hindi na niya magagamit ang sarili niyang zanpakuto ng nasa sealed na anyo. "O HINDI, ANG KAMAY KOOOOOOOO!!!"

XziqueX


aginamon

PostPosted: Thu Oct 01, 2009 4:42 am


"Ang lakas naman ng loob mo. Bagay talaga sayo maging captain." Tinulak ni Axle pataas ang dalawang kamay ni Zique, at binalak niyang sipain ang tiyan nito.

[Hindo ko na ito matutuloy dahil posibleng masipa kita, pero posible ding umilag ka... kaya maiksi tuloy post ko T__T]
PostPosted: Thu Oct 01, 2009 9:41 am


[Gusto ko na talagang gumamit ng Ingles!]

"Ayokong marinig 'yan sa isang P.A. tulad mo. Ipakita mo muna sakin ang galing mo!" Hindi na natalian ng tela ni Zique ang kanyang sugat na hanggang ngayon ay tuloy pa rin sa pagdugo. Pagsipa ni Agi, inangat din niya ang kanyang paa at sinipa palayo ang paa ni Agi. Tumalon siya palikod at itinaas niya ang kanyang kanang braso sa harap niya. Nakataas din ang kanyang hintuturo at hinlalaki na parang isang baril. "Hado #31," inawit niya, "Shakkaho!" Hindi papunta kay Agi ang Kido kung hindi sa malaking bato sa likod niya na kamukha ni Hiruma. Dahil sa Kido, nadurog ang higanteng bato at nagcrash pababa sa kinatatayuan ni Agi.

[Lahat ng bato dito may mukha! rofl ]

XziqueX


aginamon

PostPosted: Thu Oct 01, 2009 11:52 pm


[Ako nga rin gusto ko na magingles eh!!! crying ]

Nabigla si Axle sa mga nanhyari, at hindi siya makareact. Bago pa siya makaisip, natabunan na siya ng mga bato, at lahat ng bato ay kamuka ni hiruma, pero halos kasing laki ni kurita. "Ang angas mo talaga kahit kailan!!!" Isinigaw niya, nang matabunan siya. Nag crouch si Axle at nag mukang bola, upang hindi ganun kasama ang tabla ng mga bato. Tinutok niya ang kaliwang kamay sa kaliwa, at ang kanang kamay sa kanan. "Hado #1, SHO!!!" Tumalsik lahat ng bato ng pakalat. Pero napalipad rin si Axle papunta sa isang puno. Inapakan niya ito, at siya ay sumipa papunta kay Zique. Pumorma siya ng isang 'flying kick'. "AN OPENING!!!"

[iningles ko na dahil ang panget pakinggan pag tagalog! scream ]
PostPosted: Fri Oct 02, 2009 4:21 am


[BAKIT MO SINABI SA INGLES?! scream ]


Habang sinusubukan ni Agi lumabas sa ma-Hirumang bato, pumunit si Zique ng parte sa kanyang damit at itinali sa kanyang kaliwang kamay para tumigil ang pagdugo. Narinig niya ang mabilis na pagsabog dahil sa Kido ni Agi at napatingin sa mga bato. "Aba! Hindi sumabog sa mukha mo!" Nakatingin lang siya kay Agi hanggang siya ay tumalon sa puno at isinigaw ang kanyang paboritong phrase - may papasok. "Heh." Umapak si Zique pagilid para hindi siya matamaan ng lumilipad na sipa ni Agi. "Walang mangyayari sayo kung sipa ka lang ng sipa. Wala namang kwenta mga sipa mo..."

[Kung gusto mo, pwede ka mag-shikai. mrgreen ]

XziqueX


aginamon

PostPosted: Fri Oct 02, 2009 5:58 am


"Walang hiya ka talaga! Lagi mo nalang akong nilalait!!" Nang mag umapak si Zique pagilid, binalak na ni Axle gamitin ang kanang paa panulak upang mapunta pa rin siya kay Zique. Nang makapa ng harap ng kanang paa niya ang damo, ginamit niya ang patulak na ito upang umikot pakaliwa [kung nasaan si Zique]. Ginamit niya ang kaliwang paa pang suporta upang hindi siya mahulog. Inikot niya ang 'torso' niya para isuntok ang likod ni Zique. Nung pasuntok siya itinawag niya ang kanyang zanpakutou. "Shigoto wo shite, GANBERU!!!!" Pagkasigaw niya nito, agad naging gauntlets ang gloves na suot niya, at nagkayelo at kuryente ang ito.
PostPosted: Fri Oct 02, 2009 11:13 am


[Isuntok?! Baka suntukin! rofl
Hindi ko na masyado maintindihan yung poste mo... neutral Basta naintindihan ko isusuntok mo likod ko. May tanong nga pala ko, hindi ba dapat makukuryente ka rin ng sarili mong gauntlets? Wala ka namang "anti-kuryente" or anything. rofl ]


Tumalon muli patalikod si Zique para maiwasan ang suntok ni Agi, na ngayon ay na-enhance dahil sa kanyang pakawala ng shikai niya. "Abenju!" kanyang isinigaw. Nilait-lait niya ang shikai ni Agi. "'Yan lang ba kaya mong gawin? Ang magpakawala ng yelo at kuryente? Heh. Ang panget naman niyan." Hanggang ngayon ay hindi pa rin ginagamit ni Zique ang kanyang espada, at wala rin siyang planong gamitin ang kanyang shikai sa laban na ito dahil naniniwala siya na hindi "worthy" si Agi para doon. "Hindi mo pa napapagamit sakin ang espada ko tapos nagshikai ka kaagad. 'Wag mo naman ipakita sakin kung gano ka kahina." Lahat ng mga salita ni Zique ay malamig.

[May naisip ako dun sa huling pangngusap. Kaya ka hindi tinatablan ng mga malalamig na salita ni Zique kasi yelo ang elemento mo! rofl rofl ]

XziqueX


aginamon

PostPosted: Sat Oct 03, 2009 3:23 am


[gagi! rofl ]

Hinabol agad ni Axle si Zique nung nakita niyang umaatras ito. "Anio ba! Kaya hindi kita matamaan eh! iwas ka ng iwas eh!!!" Isinigaw miya mula sa galit. Bigla na lang naging gloves ulit ang kanyang gauntlets, napatigil tuloy si Axle sa takbo. "Eh!? Oi!!! Ano nanaman toh!?!?! Oi! Ganberu!!!" Sigaw ng sigaw si Axle sa kanyang zanpakutou, pero walang sinagot si Ganberu. "Grabe naman! Huwag na nga!" Itinutok niya ang kanang kamay kay Zique, at ginamit niya yung kaliwa panghawak sa kanan pang suporta. "Hado #1, Sho!" May patulak na 'spirito' [ rofl ] papunta kay Zique, at natulak di si Axle palikod. Gumasgas ang kanyang paa sa damo para ang tulak ay matigil.
PostPosted: Sun Oct 04, 2009 11:04 am


"Bakit naman kasi ako magpapatama sayo? Ano ka, hilo?!" Natawa si Zique ng malakas nung makita niyang biglang mawala ang gauntlets ni Agi. "Pa-shikai shikai ka pa hindi naman pala kaya ng reiatsu mo." Habang tumatawa pa rin si Zique, may lumabas na espiritu na mukhang bola at papunta sa kinatatayuan ni Zique. Tinilt niya lang ng konti ang kanyang katawan upang hindi matamaan ng espiritu at nagpatuloy-tuloy ito sa batong kamukha ni Kakashi sa kanyang likuran. "Natulak ka na palikod dahil sa isang mababang Kido?"

XziqueX


aginamon

PostPosted: Fri Oct 16, 2009 6:49 pm


"Masyado ka namang angas diyan!! Buti nga sinusubukan ko pang mag kido eh!!!" Kinuha niya ulit ang maiksi niyang espada at hinabol niya so Zique. Kumuha naman siya ng dalawang kunai sa kabilang kamay, at tinapon kay Zique. "Walang hiya ka!!"
PostPosted: Fri Oct 16, 2009 7:57 pm


"Sino naman kasi nagsabi sayo na magkido ka?!" Si Zique ay nagduck nung tinapon ni Agi ang kunai papunta sa kanya "Walang kwenta 'yan." Nilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng hawakan ng Zanpakuto niya at sinabi "Ikinaruhe, Ikugami." Ang espada niyang si Ikugami ay nagpalit anyo at naging isang whip. Ni-yank niya ang kanyang whip parang magmukhang astig siya. "BOHAHAHAHAHa"


[Tutuloy ko pagbalik ko!!]

XziqueX


aginamon

PostPosted: Tue Oct 20, 2009 6:00 am


Tinutok niya ang maiksi niyang espada pababa, parang sa paghawak niya ng kunai. Pagkalapit niya kay Zique, agad niyang 'nilaslas' ang bandang leeg niya habang iniiwasiwasan niyang masaktan ng astig na whip ni Zique.
PostPosted: Thu Oct 22, 2009 5:59 am


[Oo. Isa itong OOC na poste. Ayos lang kasi wala namang may pake. =))]

ANO ANG IMPYERNO?! [WHAT THE HELL?! rofl rofl rofl ]
HAHAHAHAHAHAHAHAHA NAPUPUTOK KO ANG SARILI KO. [I CRACK MYSELF UP. rofl ]

NAGLASLAS KA?!?!

XziqueX


aginamon

PostPosted: Fri Oct 30, 2009 9:25 pm


NILASLAS KITA!!! Ano ba! rofl EDE HINIWA!!!!!!! rofl
Reply
►► Role Play Subforum (Main/ Mini/ PRP)

Goto Page: [] [<] 1 2 3 [>] [»|]
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
//
//

// //

Have an account? Login Now!

//
//